Tuesday, October 2, 2012
My opinion in the Republic Act No. 10175 or the Cybercrime Act of 2012
I don't know why everyone is against the Republic Act No. 10175 or the Cybercrime Act of 2012... Hindi ko masabi kung bakit, pero ang lahat ng mga Pilipino pinagpipiyestahan nila ang walang kwentang batas na ito at gusto pa nilang maging headline ito! Siguro dahil takot silang malandat ang mga pinag-gagawa nilang katarantaduhan dito sa Internet! In my opinion, we need this law to prevent people to be verbally abusive on other particular people because of their infinite and free power on the Internet! Ginagamit na rin ng mga kriminal, sindikato at mga masasamang tao ang internet para lang gumawa sila ng mga masasamang bagay at para na rin makapangbiktima! Tama nga ang sabi na, "the Computer and Internet is created by the devil!" Tignan nyo na lang ang ginagawa ng mga tao ngayon sa Internet, wala na silang ipinapakitang paggalang sa kanilang kapwa, mula sa lahat ng aspeto ng buhay, hindi na nila binigyan manlang ng kahit konting paggalang o dignidad! Lait dito, mura doon, hindi Freedom of Expression ang ipinapairal ng mga tao ngayon sa Internet, kundi kawalang-hiyaan! Ang mga taong ito na tumututol sa batas na ito ay ipinapakita lang na ignorante sila at mga hangal! Gusto nilang sumawsaw sa issue na hindi manlang nila naaintindihan, kumbaga sa pagbabasa ng libro, Summarize na lang yung naiintindihan nila, kumbaga din sa salaysay ng isang saksi sa korte, pinagtagpi-tagping kwento na lang ang kanilang nalalaman. Ayaw nilang malaman pa ang buong detalye at katotohanan. Gusto ko lang sabihin na supportado ako sa batas na ito, ginawa ang batas na ito para mapigilan ang mga taong wala ng ipinapairal na etiquette o magandang asal ngayon sa internet, ginagamit na ito ng mga masasamang loob para makapang-biktima sila ng mga tao. For the ending of my post, Kung may ngipin nga ang batas na ito, OK! Pero alam naman natin ang mga batas na ipinapasa ng mga pulitiko sa Pilipinas ay para lang makakuha sila ng pondo mula sa National Budget ng ating pamahalaan, makakakurakot na naman sila! At sa mga taong inilubog nila ang kanilang sarili sa internet, kung ako sa inyo, once a week na lang kayo mag-open ng inyong facebook o twitter, lalo na kung wala naman mahalagang kakausapin! At next time, kayo? Bago kayo sumawsaw sa issue lalo na kapag tungkol na sa tinatawag ninyong Freedom of Expression (o yung walang habas na paninirang puri ninyo sa mga taong wala naman ginagawa sa inyong masama also known as Verbal Abuse), magisip-isip muna kayo bago kayo magbigay ng inyong kumento, dahil ipinapakita ninyo sa buong madla na kayo'y mga ignorante! Maraming problema ngayon sa ating bansa, lalo na sa sarili nating tahanan, bakit hindi na muna natin hanapan muna ng solusyon ang mga bagay-bagay lalo na sa ating mga sarili!
Subscribe to:
Posts (Atom)