Thursday, April 26, 2012

China VS. Philippines, A stand-off on Scarborough Shoal

Noong mga nakaraang araw, nagkaroon ng matinding tunggalian ang Pilipinas laban sa China ukol sa pinagtatalunang isla sa Scarborough Shoal, dahil sa illegal na panghihimasok at pangingisda ng 8 barko na galing sa West Philippine Sea, isa itong matinding paghamak ng mga Chinese sa itinakdang batas at kasunduan ng Pilipinas mula sa United Nations Convention of the Law of the Sea or UNCLOS na illegal na pumasok ang mga barkong pangisda ng China sa loob ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Hindi lamang iyon, nang dapat ng hulihin ng Philippine Navy ang mga barkong illegal na pumasok sa ating 
nasasakupang dagat, ay bigla na lamang silang pinigil ng mga barkong pampatrolya ng Chinese Navy! Isa itong malaking paghamak nila sa ating saligang batas at ating kasarinlan! Hindi lamang iyon, pinagpupumilit nilang sa kanila ang buong Spratly Islands at ang Scarborough Shoal dahil ito ay nasa South China Sea at ito ay nasasaad mula pa sa kanilang kasaysayan, pero nasasaad sa UNCLOS Treaty na ang mga isla na 200 nautical miles mula sa nalalapit na lupa ay pag-aari ng nasabing bansa. Ang ibig sabihin, ang Scarborough Shoal at ang Spratly Islands ay malapit sa kalupaan ng Pilipinas na kulang kulang 130 nautical miles, ang ibig sabihin, possesion ng Republika ng Pilipinas ang mga nasabing isla na pinagpupumilit ng China na pag-aari nila ang mga nasabing isla, habang ang kanilang lupain ay 800 milya mahigit mula sa Scarborough Shoal at sa Spratly Islands. 
Hindi lamang tayo ang bansang hinamak ng mga mapang-aping mga Instik, pati na ang bansang Vietnam at mga karatig nating bansa, noong 1980's habang naka station ang mga Sundalo at mga Mangingisdang Vietnamese sa Spratly Islands, walang habas nabinaril ng Chinese Destroyer na gamit ang kanila Machine Gun at mga Kanyon ang mga walang labang sundalo at mangingisda, iyon ang pinakamadugong Massacre na naganap sa Spratly Islands.

Pero tayo ngayon sa atin, habang lumalala ang sitwasyon sa Stand-off ng ating bansa sa China, naglunsad ang Chinese Hacktivist na i-hack ang mga websites sa ating bansa, pati na ang Official Website of our President, pero bilang tugon, naglunsad din ang ating mga kapatid na Pinoy Anonymous Hacktivist ng kanilang Major Hacking Offensive on government and university websites. Hanggang ngayon, nagpapatuloy pa rin ang ating pag counter-attack sa mga Chinese Hacktivist.



MGA KABABAYAN KO, BASAHIN NYO ITO AT ISIPING MABUTI, ANG MGA CHINESE AY UNTING-UNTING SINASAKOP ANG BAWAT ISLA SA WEST PHILIPPINE SEA NA PILIT NA IPINAGTATANGGOL NG ATING NAGHIHINGALONG PHILIPPINE NAVY, HABANG ANG CHINESE NAVY AY PALIHIM NA NAGLALAYAG SA ATING MGA KARAGATAN, 'WAG NATING HAYAANG DUMATING ANG ARAW NA PATI ANG BUONG PILIPINAS AY SAKUPIN NG CHINA AT TAYONG MGA PILIPINO AY ALIPININ ISA-ISA, HINDI TAYO PAPAYAG NA API-APIHIN AT MALIITIN NALAMANG NG DAYUHANG INTSIK! NAKIPAGLABAN TAYO NOONG PANAHON NG MGA KASTILA HANGGANG SA PANAHON NG HAPON, IPINAGLABAN NATIN ANG ATING KALAYAAN HANGGANG SA HULI! NGAYON AY DUMATING NA ANG ATING BAGONG KALABAN, HUWAG TAYONG PA-API, HUWAG TAYONG PAGAPI! ANG MGA AMERIKANO AY HINDI NATIN KALABAN! SILA AY ATING MGA KAIBIGAN, 'WAG NATING SILANG ITURING NA MGA KAAWAY BAGKUS, ITURING NATIN SILANG MGA KAIBIGAN, TANDAAN NATING LAHAT NA UTANG NATIN SA MGA AMERIKANO ANG ATING KASARINLAN! SILA ANG NAGTAYO SA SARILI NATING MGA PAA! PATI NA ANG ASEAN COUNTRIES, KAIBIGAN DIN NATIN SILA!


KAYA MGA KABABAYAN KO SA BUONG MUNDO... SA DARATING NA MAYO 11, 2012, LUMUSOB TAYO SA BAWAT EMBAHADA NG CHINA, AT IPAGSIGAWAN NATIN SA KANILANG LAHAT NA.... "SA ATIN ANG SCARBOROUGH SHOAL AT ANG SPRATLY ISLANDS!!!"

No comments:

Post a Comment