Friday, August 26, 2011

Ang mga Ibig sabihin ng panaginip ko.... Sinagot ni Shalala at Madam Fortune Teller Venus

Ang mga hula tungkol sa panaginip ko... Sinagot ni Shalala at Madam Fortune Teller
Venus

1st. Nasa bakuran ako ng bahay namin at napakadilim, pero may nakikita akong liwanag sa dulo, iyon yung gate ng bahay namin, tumakbo ako para makalabas ng bahay namin, ng makalabas ako, tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa bahay namin.

Fortune Teller Answer: "makakamit mo ang mga pangarap mo... magkakaroon ka ng magandang buhay, pero magiingat ka sa iyong kalusugan"

2nd. nandon ako sa lumang bahay namin.... umakyat ako sa puno ng mangga at narating ko ang tuktok.... nakikita ko sa tuktok ung bubong ng lumang bahay namin

Answers: "magpapagawa ka ng iyong bahay... makikita mo ang iyong bahay mula sa taas"

3rd. ung mga gamit namin sa bago naming bahay ay hinakot namin ng mama ko at dinala sa dati naming bahay ulit...


answers: "hindi mo makakalimutan ang iyong mga nakaraan, ang mga dati mong mga kaibigan, kahit nasa magandang buhay ka na ay hindi ka makakalimot sa iyong mga dating kaibigan"

4th. nasa lumang bahay ulit kami at nagiibigan kami ng isang babaeng hindi ko kilala, bigla siyang lumayo sa akin dahil nandiyan na raw ang dimonyo... ng lumabas ako ng bahay nakita ko yung isang babaeng mangkukulam, nagbalat-kayo siya bilang isang matandang babae, hinarap ko ang matandang babae, at nilabanan ito hanggang sa itoy mamatay!

answers: hindi na nila ito sinagot dahil sabi ni shalala masyado na raw akong makulit! XD


kahit hindi nila sinagot ang huli kong panaginip... pero ayos lang sakin, iintindihin ko po... marami pa po sana akong mga katanungang gusto kong malaman, lalong lalo na doon sa missing elder sister ko... 7 years na siyang nawawala... her birthday is november 9, 1985, her name is jhonalisa notario. pero next time.... i'll take another chance to call again in todong todong bigay.... thank you for shalala and madam venus and the staff of todong todong bigay for giving me the opportunity.

1 comment:

  1. lumilipad sa himpapawid ako pero pakiramdam ko marami kami. at may na kita akong isang pinto na kung saan may na katayo na taong naka puti inabut nya ang kanyang kamay ..sakin ..at pina pasuk nya ako .. at ng pag pasuk ko.bigla nalang syang nawala. midyo madilim pero may nakikita akung mga dahon ng palay..at bigla nalang may nakita akung tatlong bilog na putik..na mag katabi at maya maya ay nahulog ang isa... (tatlo po kaming mag kaka patid) pakisagot po pls..

    ReplyDelete